Tuesday, June 22, 2010

ROM Wallpapers






di parin makalaro ng ROM


nag roroll back at 3%.

dalawa na installer ko, eto mga laman

Salivating for the new things in town

Dito pa ko office eh, so basa basa muna ng forums. Daming nag rereklamo at atat dahil nagka emergency server maintenance. Sana pagbalik ko sa bahay mamaya ok na. Magpapatch pa kami ni Majicablanca. ^^

ROM terms and abbreviations

hehe, kinukulit kasi ako ng girlfriend ko pag di nya naiintindihan ang sinasabi ng mga players sa chat, so heres the compilation of terms commonly used

Classes:
D - druid
K - knight
M - mage
P - priest
R - rogue
S - scout
Wa - warrior
Wd - warden

General Chat:
afk – away from keyboard (meaning di sya makakasagot pag kinausap)
AH – Auction House
alt – alternate character
AOE – area of effect (lahat po ng mumu babawasan kagaya ng Purgatory o Thunderstom)
brb – be right back
buffs o baps - spells na ginagamit para lumakas ang target (example GOL o grace of life)
CL o Clops – Cyclops Stronghold
CS – Cash Shop (Item Shop)
DDC – Dust Devil Canyon
DOT – damage over time
DPS – damage per second
FA – Forsaken Abbey
GH - group heal
GL - Guild Leader or good luck
GM - Game Master or Guild Master
GOL - Grace of Life
IDK35 – Ice Dwarf Kingdom lvl 35
IDK50 – Ice Dwarf Kingdom lvl 50
kk – OK
KS - Kalin Shrine
LFG – looking for group
LFM – looking for more
lol – Laughing out loud. pede ring ulol pag mejo badtrip ang nagsasalita
loot - kunin ang drops ng monster
LOS – line of sight
mats – materials (herb, ore, wood)
mobs – monsters
NoM – Necropolis of Mirrors
NPC – non-player character
PL - party leader
pm – private message, whisper
pt - party
SOA – Staff of Admiration
TP – talent points
TT - Treasure Trove
WTB – wanting to buy
WTF – What the f*ck
WTS – wanting to sell
WTT – wanting to trade
XP – experience points

Happy Gaming!

Sunday, June 20, 2010

Bakit Konti ang Players ng ROM PH despite its awesomeness

I think these barriers exist sa laro kaya nadidiscourage ang mga newbie na subukan ito.

Advertisements or the lack thereof: in my opinion, parang konti lang ang advertisement ng Runes of Magic. Posters lang yata. Naalala ko ang Cabal Online may TV ad. Sa pagkakaalam ko dalawa lang ang poster ng ROM:



Sa left na poster di mo naman malalaman agad na Online Game sya. Remember that we are trying to attract new gamers here. Sa right na poster parang antichrist na di mo maintindihan. Besides the fact na obsolete na rin ang poster na nasa right. I believe na dapat magkaroon na ng new posters especially yung para sa Elven Island, Kalin Shrine at Treasure Trove. I think dapat din i consider ng publisher na maglagay ng T.V. or radio advertisements.

Few Net Cafes with this game installed: minsan naghanap kami ni GF ng net cafe malapit samin na may ROM na naka install. sa laptop lang kasi kaming dalawa naglalaro at di kagandahan ang graphical settings namin or else maglalag kami. so lakad lakad kaming dalawa, holding hands at walang pakialam sa init ng panahon. medyo optimistic naman kami kasi merong 8 net cafes dun. ang ending, out of the 8, isa lang ang may naka install! yung net cafe na yun may 11 pc, yung sampu ginagamit sa 5v5 local dota nung mga oras na yun, yung natitirang isa hindi pa updated ang ROM, wala na daw kasi yung naglalaro dun sa net cafe kaya di na rin na uupdate. ang pangyayaring ito ay nagbukas sa aking mga mata sa katotohanan na hindi ganun ka sikat ang ROM sa lugar namin. sana ay may magawing tga install ng laro doon sa mga susunod na araw (ang tagpong ito ay naganap sa San Antonio Valley 1, Sucat, Paranaque). ang isa pang frustrating, may mga shop na may poster kagaya ng nasa itaas pero pag tinanong mo kung may naka install na ROM eh wala naman. ang sarap sigawan na "bwakana! tanggalin nyo nalang yan! bumaba pa ko sa bus byaheng Iloilo para magtanong sa inyo tapos wala rin pala? false advertising yan, ihahabla ko kayo" ahem joke lang. but you get my point.

Walang Players na Gumagabay sa mga Baguhan: ang ROM ay isang quest based na laro, meaning, mas maglelevelup ka sa quest kesa pumatay ng mga mushroom at palaka. ang problema po dito, kelangan mong basahing maigi ang quest requirement para malaman mo kung ano ang dapat mong gawin. ang problema dito, nakasulat sa english ang quest. ang problema dito, di lahat nakaka intindi ng english. so kelangan mong magpaturo sa iba. ang problema dito, kadalasan ikaw lang mag-isa na lalaro sa net cafe na pinaglalaruan mo kaya wala kang mapagtatanungan. pag sa online ka naman magtanong walang masyadong sumasagot. ang masama pa pag na encounter mo ang mga taong ganito

Pag bago kang log-in at nabasa mo to sa world chat ano maiisip mo tungkol sa mga naglalaro ng larong to? Kung ikaw bat ka maglalaro para mura murahin ng iba di ba?
Ang nakikita kong solusyon mag appoint ang publisher ng "Newbie Helpers" o di kaya umisip ng situation na mas makakabuti sa mga players na tumulong sa mga newbie kesa mang abuso sa kanila.

Boring Feel ng Low Levels: parang ang bagal kasi ng feeling ng level 1-30 ng laro. ikaw lang mag-isa sa mapa. walang makakausap. pag me kialal ka sasabihin sayo "tol tara sama ka i leech ka namin sa cyclops 2 hours lang level 30/30 ka na". eto rin ang gagawin ko sa newbie na makikilala ko. And as we know, the first few hours inside the game will determine if the new player will log again and continue to play or not. sana may maisip na pakulo para di maging boring ang first few levels hehe. yung tipong mag eexplore talaga ang new player para ma appreciate nya ang laro.

Perceived as Magastos: una kong nakita ang ROM sa Netopia sa loob ng isang mall. nagandahan ako akala ko yung sikat na Online game ng Blizz. eto ang usapan namin:
ako: "anong laro yan tol?"
player: "Runes of Magic pre, bago lang to, open beta palang".
ako: "ganda ah, okie naman ba?"
player: "ok lang, kaso mejo magastos eh, mag loload ka para sa gamit mo"
ako: "di ba free to play naman?"
player: "oo pre, pero di ka lalakas kung di mo bibilhan ng gamit yung char mo"
so, as a new prospective player, mag iisip nga ba ako kung prepared ba akong gumastos para sa bisyong to ^^
as you can see, the downsides of this game is more apparent than the up's. yan muna post ko. nezt posts yung mga feature naman ng laro para makita nila na maganda ang Runes of Magic. pinaka maganda nga sa pilipinas kung ako tatanungin.
~Cheers!